Nangulo Nobyembre 6, 2019, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina, ng pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina, at pinakinggan ang ulat ng gwaing agrikultural. Humiling si Li sa mga may kinalamang departemento na dapat patibayin ang pundasyon ng industriyang agrikultural, at igarantiya ang pagsuplay ng mahalagang produktong agrikultural at pagpapatatag ng presyo. Hiniling din niyang pasulungin ang mga gawaing may kinalaman sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) para pasulungin ang pagbubukas ng Tsina at pataasin ang lebel ng pasilitasyon at liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan.
Tinukoy ng pulong na pagkaraan ng 7 taong pagsisikap, natapos na kamakailan ang lahat ng talastasan sa teksto at market access ng Regional Comprehensive Economic Partnership, na sumasagisag na natamo ang napakalaking breakthrough sa pagtatatag ng malayang zonang pangkalakalan na may pinakamalaking populasyon at potensiyal sa buong daigdig. Sa susunod, dapat pasulungin ang iba't ibang panig na matapos ang ibang kinauukulang pagsasanggunian, at na isakatuparan ang win-win situation.
Salin:Sarah