|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina ang pagbuo ng working group at grupo ng mga dalubhasa sa pagpapasulong sa pananaliksik at pagdedebelop ng 6th generation mobile networks (6G) technology. Ito ay palatandaang pormal na sinimulan ang pananaliksik at pagdedebelop ng 6G technology ng Tsina.
Ipinahayag ni Yu Chengdong, CEO ng Consumer Business Group ng Huawei Technologies Co. Ltd, tagagawa ng mga pasilidad ng China Telecom, na tinayang 10 taon ang kakailangangin para sa pananaliksik at pagdedebelop ng teknolohiyang ito.
Ayon naman kay Wu Qihui, dalubhasa ng Nanjing University of Aeronautics and Astronautics, na mas mabilis ng 100 ulit kumpara sa 5G ang 6G network.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |