Bilang mahalagang bahagi ng Ika-2 China International Import Expo, idinaos Nobyembre 8, 2019, sa Shanghai, ang Pandaigdigang Porum na pangkooperasyon sa Agrikultura at Pagkain. Lumahok sa porum na ito ang mga kinatawan ng mahigit 300 kompanya sa loob at labas ng Tsina.
Ipinahayag ni Vincent Martin, Kinatawan ng Food and Agriculture Organization of the United Nations(FAO) sa Tsina, na ang Tsina ay pangunahing bansa na nakikisangkot, nagpapasulong at nagbibigay ng ambag para sa kooperasyon ng FAO. Particular na, ang "The Belt and Road Initiative (BRI)" ay nagdaragdag ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa kooperasyon ng iba't ibang bansa. Nananalig siyang ang ika-2 CIIE ay tiyak na magdudulot ng napakalaking ambag para sa kooperasyon ng pagkain ng buong daigdig.
Salin:Sarah