Bago ang biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Brazil, sinimulan kahapon, Lunes, ika-11 ng Nobyembre 2019, ang pagsasahimpapawid sa bersyong Portugues ng dalawang serye ng video na may pamagat na Mga Klasikong Sinipi ni Xi Jinping at Landas ng Pag-unlad ng Tsina, sa mga TV channel ng Grupo Bandeirantes de Comunicação ng Brazil. Ito rin ang unang pagsasahimpapawid ng naturang dalawang video na ginawa ng China Media Group (CMG) sa bansang ito.
Lumahok sa seremonya ng pagsisimula ng pagsasahimpapawid sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG; Chen Peijie, Konsul Heneral ng Tsina sa Sao Paulo; Joao Doria, Gobernador ng Estado ng Sao Paulo; Fausto Pinato, Tagapangulo ng Parliamentary Front of Brazil-China National Congress; at Joao Carlos Saad, Presidente ng Grupo Bandeirantes de Comunicação.
Salin: Liu Kai