|
||||||||
|
||
Umabot sa 47500 metro kuwatrado ang kabuuang saklaw ng lugar na pinagtanghalan ng mga kompanyang Amerikano sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Natamo ng delegasyong Amerikano ang unang puwesto sa lahat ng kalahok na kompanya, na lubos na nagpakita ng lakas ng hatak ng CIIE at pamilihang Tsino sa mga kompanyang Amerikano.
Ipinahayag ng tauhan mula sa Pambansang Komisyon ng Kalakalan ng Tsina at Amerika na napaka-intersado ng mga kompanyang Amerikano sa pamilihang Tsino. Ayon sa pagsusuri sa mga miyembro nito, nakinabang nang marami ang mga kompanyang Amerikano sa Tsina noong 2018.
Sa kanyang naunang talumpati , binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na isagawa ang isang serye ng patakaran ng pagbubukas na kinabibilangan ng batas sa pamumuhunan ng mga kompanyang dayuhan. Ito ay tiyak na magdudulot ng mas maraming ginhawa para sa mga kompanyang Amerikano at magpapataas ng kompiyansa ng mga mamumuhunan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |