Idinaraos mula Ika-13 hanggang Ika-14 ng Nobyembre, 2019, sa Brasilia, kabisera ng Brazil, ang Ika-11 Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS, na may tema na "Paglaki ng Kabuhayan, Magdulot ng inobasyon sa Kinabukasan."
Maliwanag ang epekto na natamo ng sistemang pangkooperasyon ng BRICS noong unang "Golden Decade". Naging mahalagang puwersa ito para sa pagpapalaki ng kabuhayang pandaigdig at pagpapasulong ng modernisasyon ng sistema ng Pagsasa-ayos sa Daigdig. Sa ikalawang "Golden Decade," dapat magkaisa at magtulungan ang mga bansa ng BRICS, para magkakasamang pasulungin ang reporma ng Sistema ng Pagsasa-ayos sa Daigdig, at ibigay ang ambag para sa paglutas ng mga problema sa buong mundo.
Salin:Sarah