|
||||||||
|
||
Sa sidelines ng Ika-11 BRICS Summit sa Brazil, nag-usap sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Narendra Modi ng India. Inulit ng dalawang lider ang kahandaang ipagpatuloy ang komunikasyon para isakatuparan ang kanilang napagkasunduan sa naunang mga pagtatagpo sa Wuhan, Tsina, at Chennai, India, at pabutihin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag din ni Xi ang pagbati sa India sa mga natamong bunga sa katatapos na Ika-2 China International Import Expo (CIIE) bilang isa sa 15 guest country of honor. Napag-alamang ang India ay nangunguna sa mga bansang lumahok sa ika-2 CIIE pagdating sa halaga ng narating na kasunduang pangkalakalan. .
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |