Ipinahayag Nobyembre 19, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng Tsina ang Amerika na aktuwal na igalang ang soberanya ng Tsina, itigil ang di-angkop na pananalita at pakikialam sa mga suliranin ng HKSAR at mga suliraning panloob ng Tsina.
Sinabi ito ni Geng bilang tugon sa pananalita na ipinahayag kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Hong Kong (HK).
Binigyan-diin ni Geng na ang mga suliranin ng HK ay suliraning panloob ng Tsina, at walang kapayangyarihan ang anumang pamahalaan ng ibang bansa, organisayon o idibiduwal na makialam dito.
Salin:Sarah