Ipinahayag Nobyembre 20, 2019, ng Liasion Office of the Central People's Government in the Hong Kong Special Administration Region (HKSAR), ang pagkapoot at pagkondena sa Amerika matapos ipasa ng senado ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act ng 2019.
Tinukoy ng pahayag na ang aksyon ng Amerika ay pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, buong tatag na tinututulan ito ng buong mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga kababayan sa HK. Bilang tugon sa maling kapasiyahang ito ng Amerika, tiyak na magsasagawa ang Tsina ng hakbangin, para mapangalagaan ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."