Inilabas ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Nobyembre 2019, ng pamahalaang Tsino ang bagong Negative List for Market Access. Nakalakip ng listahan ang mga sektor na hindi dapat pumasok at may limitasyon sa pagpasok para sa kapwa puhunan mula sa loob at labas ng bansa.
131 ang mga aytem sa kasalukuyang listahan. Kumpara sa bersyon ng listahan noong isang taon, 20 ang nabawas at mas maliit ito nang 13%. Batay sa listahan, mas maluwag ang pagpasok ng puhunan sa mga sektor na gaya ng social welfare group, elderly-care institution, at iba pa.
Ito rin ang ikalawang listahang inilabas pagkaraang pormal na isagawa noong isang taon ang sistema ng negative list for market access sa buong Tsina. Ipinalalagay ng mga dalubhasa, na makakabuti ang sistemang ito sa pagpapalakas ng pagkakapantay-pantay at kasiglahan ng pamilihan.
Salin: Liu Kai