|
||||||||
|
||
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, masalimuot ang kapaligirang pangkabuhayan sa buong mundo, kaya naging mas mataas ang pag-asa ng komunidad ng daigdig sa papel ng IMF. Umaasa si Xi na lalo pang pabubutihin ng IMF ang pandaigdigang sistema ng pananalapi para palakasin ang karapatang kumatawan at magsalita ng mga umuunlad na bansa at mga bansa ng bagong pamilihan.
Binigyan-diin ni Xi na hindi mababago ang mabuting tunguhin ng kabuhayang Tsino. Sinabi niya na walang humpay na pinapapasulong ng Tsina ang pag-unlad ng kabuhayan na magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag ni Georgieva na lubos na pinahahalagahan ng IMF at patuloy na pinapalalim ang kooperasyon sa Tsina. Ipinahayag rin niya na buong tatag na susuportahan ng IMF ang malayang kalakalan at mapayapang relasyong pangnegosyo.
Salin: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |