Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinututulan ni Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Puno ng Office of the Foreign Affairs of the CPC Central Committee, ang pagpapatibay ng Kongreso ng Amerika ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019.
Sinabi ito ni Yang nang kapanayamin ng mamamahayag ng Xinhua News Agency ng Tsina.
Ipinahayag din ni Yang na ang aksyong ito ng Amerika ay nakialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, matinding lumabag sa batas na pandaigdig at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Salin:Sarah