Sanya, Lalawigang Hainan ng Tsina—Idinaraos dito ang Ika-2 Hainan Island International Film Festival. Sa kasalukuyan, pinapabilis ng Hainan ang pagtatatag ng pilot free trade zone at puwerto ng malayang kalakalan na may katangiang Tsino. Ipinalalagay ng mga kilalang personahe ng industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa na ang nasabing pestibal ay nakapaglatag ng bagong plataporma para sa pandaigdigang pagpapalitang kultural.
Sinabi ni Choi Yongbae, Pangalawang Tagapangulo ng Samahan ng mga Tagalikha ng Pelikula ng Timog Korea, na sa kasalukuyan, walang humpay na lumalawak ang pamilihang Tsino, at umuunlad ang usapin ng pelikula nito. Nananalig aniya siyang magiging mabungang mabunga ang Hainan International Film Festival.
Nagpahayag naman si Anusha Gokula Fernando, Tagapangulo ng National Film Corporation ng Sri Lanka, ng pag-asang mapapalakas ang kooperasyon, at mapapasulong ang kapayapaan at kasaganaan ng daigdig, sa pamamagitan ng pelikula.
Salin: Vera