|
||||||||
|
||
Sina Pangulong Moon Jae-in ng T.Korea at Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina
Nakipagtagpo Disyembre 5, 2019, sa Cheongwadae, palasyong pampanguluhan ng Timog Korea na nasa Seoul, si Pangulong Moon Jae-in ng T.Korea kay Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Moon Jae-in na ang mahigpit na kooperasyon ng Tsina at T.Korea ay mahalagang puwersa para mapangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng Hilagang Silangang Asya, at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong ito. Nakahanda ang T.Korea na hanapin ang pag-uugnay ng plano ng estratehikong pag-unlad ng T.Korea at Belt and Road Initiative (BRI) para isagawa ang third party cooperation, at lalo pang pahigpitin ang pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, ang unilateralismo at power politics ay nagbabanta sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig. Bilang kapitbansa, dapat palakasin ng Tsina at T.Korea ang diyalogo at kooperasyon, para magkasamang mapangalagaan ang multilateralismo, malayang kalakalan at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pag-uugnay ng BRI at plano ng estratehikong pag-unlad ng T.Korea para palawakin ang bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |