Nitong 5 taong nakalipas sapul nang komprehensibong naisaoperasyon ang unang yugto ng proyekto ng "Pagpapadaloy ng tubig Pahilaga mula sa Timog", pinapabuti nang malaki ang pag-aayos ng yamang pantubig sa dakong hilaga ng Tsina at Yellow River at Huai River plain. Ginamit ng mga mamamayan dito ang tubig mula sa katimugan, at ito'y naging "linya ng buhay" para sa mga lunsod sa Beijing-Tianjin-Hebei Region.
Ang proyekto ng"Pagpapadaloy ng tubig Pahilaga mula sa Timog"ay mahalagang estratehikong konstruksyon ng imprastruktura ng Tsina para isakatuparan ang pagpapabuti ng paggamit ng yamang pantubig, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa. Ito'y nagpatingkad ng malaking papel sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapabuti ng ekolohikal na kapaligiran sa rehiyon.
Salin:Sarah