Halos patapos na ang ika-25 na kumperensiya sa United Nations Framework Convention on Climate Change na ginaganap sa Madrid, Espanya. Kasalukuyang nasadlak sa deadlock ang mga negosasyon tungkol sa ika-6 na Artikulo ng Paris Agreement sa mga mekanismo ng pangangalakal ng karbon at isyu tungkol sa pagtulong ng mga maunlad na bansa sa mga umuunlad na bansa upang tugunan ang epekto ng pagbabago ng klima.
Bilang tugon, noong Disyembre 12, sinabi ni Zhao Yingmin, pinuno ng delegasyon ng Tsina at Pangalawang Ministro ng Ministi ng Ekolohiya at Kalikasan ng Tsina sa kanyang pagharap sa mga reporter na pananatilihing ng Tsina ang positibong saloobin, at magsusumikap na maitaguyod ang lahat ng mga bansa sa parehong layunin, at makamit ng isang balanse, pantay-pantay at komprehensibong resulta.
Ayon pa rin kay Zhao, sa kumperensyang ito, napagkasunduan ng lahat ng mga bansa na labanan ang unilateralismo at proteksyonismo sa proseso ng pagtugon sa pagbabago ng klima.