Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Alkayde ng Qingpu Prison, umalma sa walang batayang ulat ng Britanikong media

(GMT+08:00) 2019-12-25 15:30:11       CRI

Ipinaratang kamakailan ng Britanikong media na ang mga dayuhang bihag sa Qingpu Prison sa Shanghai ay sapilitan umano'y pinapagawa ng Christmas card. Kaugnay nito, kinapanayam nitong Martes, Disyembre 24, 2019 ng China Global Television Network (CGTN) si Li Qiang, Alkayde ng Qingpu Prison. "Walang batayan ang nasabing ulat," mariin niyang ipinahayag.

Sinabi ni Li na layon ng repormasyon ng mga bihag na sanayin sila sa karunungan at teknolohiya, para magkaloob ng ginhawa sa kanilang hanap-buhay pagkaraang lumabas sa bilangguan. Dagdag niya, kusang-loob ang pagtatrabaho ng mga bihag sa bilangguan, at ang larangan kung saan sila nagtatrabaho ay sarili nilang pinili.

Ayon kay Li, may takdang kita ang mga bihag na nais magtrabaho. Ang bahagi ng mga kita ay ginagamit para sa pagbili ng pang-araw-araw na kagamitan sa bilangguan, at pagtawag o pagpapadala ng liham sa kani-kanilang kapamilya. Samantala, ang nalalabing bahagi ay maaaring kunin ng mga bilanggo kapag nakalaya na sa bilangguan, para sa simula ng bagong pamumuhay, dagdag niya. Si Peter Humphrey na binanggit sa ulat ng Britanikong media ay tumanggap ng parusa sa Qingpu Prison mula noong 2013 hanggang 2015, saad ni Li.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>