Pagdating sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, sinasabi ng mga taga-kanluran, na sa halip na pagsawata sa mga banta at hamong dulot ng terorismo, umiiral dito ang "panunupil na pang-etniko." Ang pagtatalo kaugnay ng di-umano'y "re-education camp" ay pinakahuling halimbawa batay sa akusasyong ito ng mga kanluranin.
Sa pamamagitan ng kanyang imbestigasyon sa Xinjiang, ipapakita ni Wang Guan, mamamahayag ng China Global Television Network (CGTN), na mali ang nabanggit na may-katig na pananaw. Ipapakita rin niyang, ang di-umano'y "re-education camp" ay sa katunayan, pagsisikap upang labanan ang terorismo at ekstrimismo, sa halip na "panunupil na pang-etniko," o "panunupil na panrelihiyon."
Salin: Liu Kai