Pormal na naisaoperasyon ngayong araw, Lunes, ika-30 ng Disyembre 2019, ang high-speed railway sa pagitan ng Beijing, kabisera ng Tsina, at Zhangjiakou, lunsod ng lalawigang Hebei sa hilagang bahagi ng bansa.
Ang daambakal ay may 174 na kilometrong kabuuang haba, at maaari ritong tumakbo ng 350 kph. Ito ay isang pangunahing proyekto para sa 2022 Beijing Olympic at Paralympic Winter Games. Sa pamamagitan nito, ang panahon ng biyahe sa pagitan ng Beijing at Zhangjiakou, co-host city ng naturang mga palaro, ay mapapaikli sa 47 minuto lamang, mula sa mahigit tatlong oras.
Samantala, naisaoperasyon din sa araw na ito ang Chongli Railway, sangay ng Beijing-Zhangjiakou High-speed Railway. Ang Chongli ay isang bahagi ng Zhangjiakou, at matatagpuan dito ang ilang venue ng Beijing Olympic at Paralympic Winter Games.
Salin: Liu Kai