Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nagpahayag ng mensaheng Pambagong Taon para sa 2020

(GMT+08:00) 2019-12-31 19:34:26       CRI

Sa bisperas ng Bagong Taon 2020, isang mensaheng Pambagong Taon ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Narito po ang buong teksto ng mensahe ni Pangulong Xi:


Mga kasamahan at kaibigan, mga binibini at ginoo:

Sasapit na ang taong 2020. Mula sa Beijing, kabisera ng Tsina, umaasa akong makakaabot sa inyong lahat ang aking bating Pambagong Taon.

Sa taong 2019, sa pamamagitan ng malaking pagsisikap at mga aktuwal na gawain, natamo natin ang masaganang bunga. Matatag na sumulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan. Tinatayang umabot sa halos 100 trilyong yuan RMB ang GDP o kabuuang halaga ng produksyon panloob ng Tsina, at halos 10 libong Dolyares ang GDP per capita. Nagkaroon ng malaking progreso ang tatlong pangunahing misyon--pagpigil at paglutas sa mga panganib, pagsasagawa ng mga tama-tamang hakbangin sa pagpawi ng kahirapan, at pagpigil at pagsupil sa polusyon. Napabilis din ang pagsasagawa ng mga pambansang estratehiyang gaya ng koordinadong pag-unlad ng Beijing-Tianjin-Hebei, pag-unlad ng Economic Belt ng Yangtze River, konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, at pinagsamang pag-unlad ng Yangtze River Delta. Naging pambansang estratehiya rin ang pangangalaga sa ekolohiya at de-kalidad na pag-unlad sa kahabaan ng Yellow River. Halos 340 county sa buong bansa ang inalis sa listahan ng mga mahirap na lugar, at nai-ahon sa kahirapan ang mahigit 10 milyong mamamayan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan, lumapag sa malayong gilid ng Buwan ang Chang'e-4 lunar probe; matagumpay na inilunsad ang Long March-5, kasalukuyang pinakamalaking carrier rocket ng Tsina; naglayag sa Antarctica ang Xuelong-2, unang icebreaker na sarilinang yari ng bansa; patuloy na nabuo ang Beidou Navigation System para sa paglilingkod sa buong mundo; sinimulan ang serbisyong komersyal sa publiko ng 5G telecommunicatin network; at naitayo ang Beijing Daxing International Airport. Ang lahat ng mga ito ay bunga ng pagpupunyagi ng mga mamamayang Tsino sa bagong panahon, at ipinakikita nito ang namumukod na lakas ng Tsina.

Sa taon ding ito, maraming sigla ng pag-unlad ang idinulot ng reporma at pagbubukas sa labas. Isinagawa ang re-organisasyon ng mga organo ng Partido Komunista ng Tsina at pamahalaan ng bansa; naitayo ang mga bagong pilot free trade zone na kinabibilangan ng bagong bahagi ng Shanghai Pilot Free Trade Zone; naisaoperasyon ang Sci-Tech Innovation Board o STAR MARKET ng Shanghai Stock Exchange; mahigit 2 trilyong yuan RMB na iba't ibang uri ng buwis at iba pang singilin ang nabawasan; itinaas ang minimum threshold ng personal income tax; bumaba ang presyo ng maraming gamot na madalas na ginagamit ng mga mamamayan; bumilis ang paggamit ng Internet dahil sa pag-a-upgrade ng mga pasilidad ng network; ang pagpapauri-uri ng mga basura ay nagdulot ng bagong uso ng low-carbon living; at mas malayang nakapagtrabaho ang mga opisyal sa nakakababang yunit ng pamahalaan dahil sa pagpapaluwag ng mga limitasyon sa kanila. Dahil sa mga ito, nakita ang malaking pagbabago sa iba't ibang lugar ng Tsina.

Sa 2019, isinagawa ng Tsina ang reporma sa tanggulang bansa at hukbo, at nagkakaroon ng bagong anyo ang mga tropa. Naidaos ang paradang militar para sa Pambansang Araw, mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng tropang pandagat at tropang panghimpapawid, pati na rin ang Ika-7 Military World Games. Pumasok din sa serbisyo ang unang sariling yaring aircraft carrier. Ang mga sundalo ng People's Liberation Army ay laging nakatayo sa unang hanay ng pagtatanggol sa inangbayan at lupang-tinubuan. Magpugay tayo para sa kanila.

Ang pinaka-di-malilimutang pangyayari sa taong ito ay selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Ipinagbunyi natin ang mga natamong tagumpay nitong 70 taong nakalipas, at tumimo sa ating puso ang makabayang diwa ng mga mamamayan. Naidaos sa Tian'anmen Square ang maringal na paradang militar at masiglang parada ng mga mamamayan. Kasunod ng pagkanta ng awiting "Ako at Aking Inangbayan," kumakalat ang kaligayahan at karangalan sa iba't ibang lugar ng Tsina at bawat mamamayang Tsino. Nararamdaman natin ang malalim na pagmamahal sa bayan, at ito ay naging pangunahing bahagi ng yamang ispiritual ng nasyong Tsino. Ang lahat ng mga ito ay nagbibigay ng walang tigil na lakas sa atin, upang magpunyagi para sa pag-unlad ng inangbayan.

Sa taong ito, bumisita ako sa maraming lugar ng Tsina. Maalwan ang konstruksyon sa Xiong'an New Area; abalang-abala at masigla ang paghahatid ng mga paninda sa Puwerto ng Tianjin; mainam ang takbo ng mga ahensiya ng pamahalaang munisipal ng Beijing na inilipat sa bagong sub-center ng lunsod; maganda ang damuhan sa Inner Mongolia; makabago ang anyo ng Hexi Corridor sa sinaunang Silk Road; payapa ang agos ng tubig sa Yellow River; at masagana ang pamumuhay sa kahabaan ng Ilog Huangpu. Nakita ko ang kasiglahan sa iba't ibang lugar ng bansa. Bumisita rin ako sa mga lugar na may kasaysayan ng rebolusyon ng Tsina. Kabilang dito ang lugar na pinagsimulan ng Long March sa Yudu ng lalawigang Jiangxi, museong rebolusyonaryo sa Xinxian ng lalawigang Henan, bantayog ng Red Army sa Gaotai ng lalawigang Gansu, at base ng paggunita sa rebolusyon sa Fragrant Hills ng Beijing. Binalik-tanaw ko ang ating mga orihinal na aspirasyon at misyon, bilang bagong lakas sa tuluy-tuloy na pagpupunyagi ng buong nasyon.

Tulad ng dati, kahit gaano ako kaabala, hinanap ko ang oras para bumisita sa pamilya ng mga mamamayan. Lagi kong isinasa-isip ang tinig ng mga mamamayan mula sa kani-kanilang puso. Nagpadala rin ng mga liham sa akin ang maraming kaibigan na gaya ng mga mamamayan ng lahing Dulong sa Gongshan ng Lalawigang Yunnan; mga magsasaka sa Nayong Xiadang, Shouning County ng Lalawigang Fujian; iskuwad na ipinangalan kay Wang Jie, isang bayani noong 1960s; mga kampeon sa Olimpiyada at mga paligsahang pandaigdig na sumapi sa Beijing Sport University para gumawa ng mas malaking ambag sa kulturang pampalakasan ng bansa; at mga bata't matandang boluntaryo sa Macao. Sa pagsagot sa kanila, hinangaan ko po ang kanilang mga natamong bunga, at ipinaabot ang magandang pagbati.

Nitong nakalipas na isang taon, tumimo sa puso natin ang maraming tao at pangyayari. Halimbawa, si Zhang Fuqing na naggigiit sa orhinal na aspirasyon at misyon ng CPC, sa halip na paghahanap ng sariling karangalan o interes; si Huang Wenxiu na nagsakripisyo ng kabataan at buhay sa usapin ng pag-aahon sa kahirapan; ang 31 bayani na nagsakripisyo ng sarili nilang buhay sa misyon ng pagliligtas sa sunog sa Muli County, Lalawigang Sichuan; si Du Fuguo na nangalaga sa kaligtasan ng mga kasamahang kawal, sa pamamagitan ng sarili niyang katawan; ang babaeng koponan ng volleyball na nakakuha ng kampeonato sa 2019 FIVB World Cup… Nilikha ng nakararaming walang pangalang bayani ang kahanga-hangang buhay, sa kani-kanilang karaniwang pamumuhay.

Noong 2019, patuloy na nagbukas sa labas ang Tsina. Itinaguyod namin ang Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, International Horticultural Exhibition 2019 Beijing, Conference on Dialogue of Asian Civilizations, at Ika-2 China International Import Expo. Sa pamamagitan ng nasabing mga aktibidad, idinispley ng Tsina sa daigdig ang isang sibilisado, bukas, at inklusibong bansa. Nakipagtagpo ako sa mga lider at opisyal na pamahalaan ng maraming bansa. Ibinahagi ko sa kanila ang paninindigan ng Tsina, pinahigpit ang pagkakaibigan, at pinalalim ang mga komong palagay. Nagkaroon din ng mas maraming bansa sa daigdig na nagtatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina, at hanggang ngayon, 180 na ang bilang ng mga bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina.

Ang taong 2020 ay magsisilbing isang milestone sa kasaysayan. Komprehensibong matatapos ng Tsina ang pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, at maisasakatuparan ang target ng unang sandaang taong pagsisikap. Desidido rin ang Tsina, na sa taong 2020, mapapawi ang kahirapan. Dapat tayong magbuklud-buklod para mapanaigan ang iba't ibang kahirapan, mapabuti ang mga depekto, at mapatibay ang pundasyon, upang mapagtagumpayan ang digmaan laban sa kahirapan, at maisakatuparan ang target ng pag-aahon ng lahat ng mga mahirap na mamamayan at county sa kanayunan, ayon sa nakatakdang iskedyul.

Noong nagdaang ilang araw, dumalo ako sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang bayan. Ikinasisiya ko ang kasaganaan at katatagan ng Macao. Ipinakikita ng matagumpay na praktika ng Macao ang ganap na pagsasagawa ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at angkop ito sa mithiin ng mga mamamayan. Nitong nakalipas na ilang buwan, pinag-uukulan ng pansin ng mga tao ang kalagayan ng Hong Kong. Kung walang maharmonya't matatag na kapaligiran, mawawalan din ng tahanan para sa maligayang pamumuhay at pagtatrabaho. Taos puso kong inaasahan ang magandang kinabukasan ng Hong Kong at maligayang pamumuhay ng mga taga-Hong Kong. Ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong ay hangarin ng mga kababayan sa Hong Kong, ito rin ay pananabik ng mga mamamayan ng inang bayan.

Pabagu-bago ang galaw ng kasaysayan. Hindi tayo natatakot sa anumang pagbabago, kahirapan at hadlang. Buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, buong tatag ding pangangalagaan ang kapayapaan ng daigdig, at pasusulungin ang komong kaunlaran. Nakahanda tayong magkakapit-bisig na itatatag, kasama ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa daigdig, ang Belt and Road, at community with a shared future for mankind, at walang humpay na magpunyagi para likhain ang magandang kinabukasan ng sangkatauhan.

Sa panahong ito, maraming tao ang nananatili pa rin sa kani-kanilang tungkulin, pinapangalagaan ang kapayapaan, at masipag na nagtatrabaho. Maraming maraming salamat sa inyong pagpupunyagi!

Dapat nating pakamahalin ang oras, at magkasamang salubungin ang pagdating ng taong 2020.

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Mga giliw na tagasubaybay, iyan po ang mensaheng Pambagong Taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Salamat, at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Salin: Liu Kai at Wei La
Pulido: Rhio
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>