Sa mga bating pambagong taon na binigkas kamakailan ng mga lider ng maraming bansa, pinag-uukulan nila ng pansin ang kaunlaran, at nanawagan din sila para sa kooperasyon.
Sinabi ni Punong Ministro Mahathir Mohamad ng Malaysia na ang pagbabago ng kalagayan ng kabuhayang pandaigdig at progreso ng siyensiya't teknolohiya ay mabilis na nakakaapekto sa direksyon ng pag-unlad ng Malaysia, maging ng daigdig. Nanawagan siya sa mga mamamayan at pamahalaan na magbuklud-buklod para harapin ang mga hamon, at pasulungin ang pag-unlad ng bansa, sa pamamagitan ng sariling progreso.
Nanawagan naman si Pangulong Win Myint ng Myanmar sa mga mamamayan at pamahalaang pederal na magkasamang sumali sa proseso ng kapayapaan, demokrasya, at kaunlaran ng bansa.
Salin: Vera