|
||||||||
|
||
Ipinaliwanag ni Trump, na ang naturang 52 lugar ay kumakatawan ng 52 Amerikanong hostage na dinukot ng Iran mula sa Embahada ng Amerika sa Tehran noong 1979. Sinabi rin niyang, kabilang sa mga ito ay mga lugar na mahalaga para sa Iran at kultura ng bansang ito.
Ang naturang mga tweet ay inilabas ni Trump, pagkaraang patayin ng Amerika si Qasem Soleimani, Komander ng Quds Force ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran, sa isang airstrike na inilunsad noong Biyernes sa paliparan sa Baghdad, Iraq. Bilang tugon, ipinahayag naman ng Iran, na isasagawa nito ang ganting salakay laban sa Amerika.
Samantala, ang naturang operasyong militar ng administrasyon ni Trump ay nagresulta sa mga protesta kontra digmaan sa loob ng Amerika. Sinabi ng grupong Act Now to Stop War and End Racism, na ngayon ay panahon para kumilos ang lahat ng mga taong mapagmamahal sa kapayapaan, at tumututol sa pagkaganap ng isa pang digmaang magdudulot ng kapahamakan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |