Ayon sa ulat ng Joint Operations Command sa Iraq, naganap kagabi, local time, Sabado, ika-4 ng Enero 2020, ang mga rocket at mortar attack sa Green Zone sa Baghdad, kabisera ng Iraq, at Balad Air Base ng bansang ito. Walang naiulat na kasuwalti sa naturang mga atake, ayon pa rin sa naturang pamunuan.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon o indibiduwal ang umaako ng responsibilidad sa nasabing mga atake.
Ang Green Zone sa Baghdad ay lugar kung saan matatagpuan ang mga tanggapan ng pamahalaan ng Iraq at mga embahada ng Amerika at Britanya. Samantala, ang Balad Air Base ay nasa dakong hilaga ng Baghdad, at may nakatalagang mga sundalong Amerikano roon.
Salin: Liu Kai