Ayon sa ulat ng Komisyong Pangkalusugan ng Wuhan, lunsod sa gitnang Tsina, hanggang kahapon ng umaga, naitala sa lunsod na ito ang 59 na kumpirmadong kaso ng pneumonia, at 7 sa mga ito ay nasa grabeng kondisyon.
Sinabi rin ng nasabing komisyon, na hanggang sa kasalukuyan, ini-iimbestigahan pa ang sanhi ng nasabing sakit, pero kinumpirma nitong hindi ito kabilang sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), Middle East Respiratory Syndrome (MERS), at bird flu.
Ayon pa rin sa komisyon, buhay pa ang lahat ng 59 na may-sakit, at binibigyang-lunas sa mga ospital. Aktibong hinahanap ngayon ng lokal na pamahalaan ang iba pang mga nakatagong may-sakit, at ini-iimbestigahan ang sanhi nito.
Salin: Liu Kai