Inilathala kamakailan ng Central Party Literature Press ng Tsina ang aklat ng mga sipi ng mga pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng bansa hinggil sa diplomasyang may katangiang Tsino.
Nitong ilang taong nakalipas, sa proseso ng pagpapasulong ng diplomasyang may katangiang Tsino, iniharap ni Xi ang mga bagong teoryang gaya ng pagtatakda ng mga patakarang diplomatiko batay sa pangkalahatang kalagayan sa kapwa loob at labas ng bansa, paggamit ng diplomasya bilang kasangkapan sa pag-ahon ng nasyong Tsino at pag-unlad ng sangkatauhan, paglalagay bilang pangunahing misyon ng diplomasya ang pangangalaga sa soberanya, katiwsayan, at interes sa pag-unlad ng bansa, at iba pa. Iniharap din niya ang mga bagong ideyang kinabibilangan ng Belt and Road Initiative, pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at iba pa.
Salin: Liu Kai