Hinimok ngayong araw, Miyerkules, ika-8 ng Enero 2020, ng Tsina ang mga may-kinalamang panig na magtimpi sa harap ng kasalukuyang kumplikadong tensyon sa Gitnang Silangan.
Winika ito ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, pagkaraang ilunsad nang araw ring iyon ng Iran ang mga missile sa dalawang base ng tropang Amerikano at koalisyon sa Iraq.
Dagdag ni Geng, nanawagan ang Tsina sa mga may-kinalamang panig na maayos na lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng mapayapang paraan tulad ng pagsasanggunian, at magkakasamang panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Gulpo.
Salin: Liu Kai