
Lumampas ng 40 milyong person time ang mga turistang panloob at panlabas na tinanggap ng Tibet noong 2019, na nagdulot ng 56 na bilyong yuan RMB na kita.
Ito'y ayon sa Ika-3 Pulong ng Ika-11 Lokal na Kongresong Bayan ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet na binuksan kahapon.
Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na pinapasulong ng Tibet ang pag-unlad ng industriyang panturismo, at natamo ang maraming bunga. Ang mga 400 libong magsasaka at pastol ay pumasok sa industriyang panturismo na nakatulong sa pagpapawi ng kahirapan.
Salin:Sarah