Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-10 ng Enero 2020, sa Beijing, ang taunang National Science and Technology Award Conference ng Tsina.
Ginawaran ni Pangulong Xi Jinping ng pinakamataas na gantimpala sina Huang Xuhua, punong tagapagdisenyo ng unang henerasyon ng nuclear submarine ng Tsina; at Zeng Qingcun, meteorolohistang nagbigay ng malaking ambag sa teorya ng numerical weather prediction.
Pagkaraan nito, ginawaran din niya, kasama ng iba pang mga lider na Tsino, ng mga iba pang gantimpala ang mga siyentista, akademiko, at inhinyero, na nagbigay ng malaking ambag sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.
Salin: Liu Kai