Sa kanyang pakikipagtagpo Enero 9, 2020 kay Luo Huining, bagong halal na Puno ng Liaison Office of the Central People's Government in the Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), isinalaysay ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng HKSAR, ang mga gawain ng kanyang pamahalaan nitong dalawang taong nakalipas.
Ipinalalagay ng kapwa panig na nitong pitong buwang nakalipas, dumanas ang Hong Kong ng pinakamahigpit na pangyayari sapul nang bumalik ito sa inangbayan. Ito anila ay nagdulot ng napakalaking epekto sa iba't-ibang panig ng lipunan. Ang pagpapanumbalik ng kaayusang panlipunan sa pinakamadaling panahon ay komong mithiin ng malawak na masa ng mga mamamayan, dagdag pa nila.
Salin: Lito