Idinaos kahapon, Lunes, Enero 13, 2020, sa Beijing ang taunang sesyong plenaryo ng ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa kanyang talumpati sa sesyon, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Pangulo ng Tsina, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar, na dapat palakasin ang pagsusuperbisa sa mga gawaing may kinalaman sa pagpawi sa kahirapan. Dapat din buong sikap na lutasin ang mga isyung lubos na ikinababahala ng mahihirap, at sumasabotahe sa kani-kanilang kapakanan, dagdag ni Xi.