|
||||||||
|
||
Dumating Martes ng umaga, Enero 14, 2020 ng puwerto ng Manila ang bapor ng China Coast Guard (CCG) na may code 5204. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng bapor ng CCG sa Pilipinas.
Ang pagdalaw ng naturang bapor ay upang dumalo sa ika-3 pulong ng Joint Coast Guard Committee ng Tsina at Pilipinas at lumahok sa isang serye ng mga aktibidad ng mapagkaibigang pagpapalitan.
Itinaguyod ng panig Pilipino ang maringal na seremonya bilang pagsalubong sa mga panauhing Tsino. Bumisita sa Bapor 5204 ang mga pangunahing opisyal at miyembro ng Philippine Coast Guard. Nagsagawa ang kapuwa panig ng mapagkaibigang pagpapalitan.
Kaugnay ng pagsabog ng Bulkang Taal, iniabuloy ng opisyal at kawal ng naturang bapor na Tsino ang mga pagkaing gaya ng bigas, harina, edible oil at mga instant food sa mga apektadong mamamayan.
Binuksan Martes ng hapon ang ika-3 pulong ng Joint Coast Guard Committee ng Tsina at Pilipinas. Tinalakay ng kapuwa panig ang hinggil sa kung paanong patuloy na palalakasin ang kooperasyon sa mga pangunahing larangang gaya ng pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen at pagpupuslit ng droga sa dagat, paghahanap at pagliligtas sa dagat, humanitarian relief at iba pa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |