Ipinahayag Enero 15, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagkoordinasyon sa mga kinauukulang panig na kinabibilangan ng Timog Korea, para ipagpatuloy ang kasalukuyang mapayapang kalagayan sa Korean Peninsula, at pasulungin ang paglutas ng isyung nuclear ng Korean Peninsula.
Ayon pa sa ulat, ipinahayag Enero 14, 2020, ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea na ang pagpapaunlad ng relasyon ng Timog at Hilagang Korea ay makakatulong sa pagtatamo ng progreso sa diyalogo ng H.Korea at Amerika. Papatingkarin ng Tsina ang mahalagang papel sa paglulutas ng isyung nuclear ng H.Korea, at nakahanda ang T.Korea na magsikap, kasama ng Tsina, para lutasin ang may- kaugnayang isyu.
Salin:Sarah