|
||||||||
|
||
Iniutos ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang buonglakas na pagpigil sa paglaganap ng novel coronavirus (2019-nCoV), na maaaring magdulot ng pneumonia, para igarantiya ang katatagan ng buong lipunan, at malusog at masayang Spring Festival.
Ipinahayag din ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat mapanatili ng iba't ibang kinauukulang departamento ng Tsina ang pakikipagkoordinasyon sa World Health Orgnization (WHO), mga kinauukulang bansa at rehiyon ng HongKong, Macao at Taiwan, para pigilan ang pagkalatng virus.
Naganap kamakailan sa lunsod Wuhan ng lalawigang Hubei at iba pang mga lunsod ng Tsina ang pneumonia na dulot ng 2019-nCoV. Bukod dito, lumitaw rin ang pneumonia sa Hapon, Thailand at Timog Korea.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |