|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng Tsina ang kahandaan sa paglahok sa pangkagipitang pulong ng World Health Organization (WHO) bilang tugon sa pagkalat ng pneumonia na dulot ng bagong coronavirus, na nakatakdang idaos ngayong gabi, Enero 22, Beijing/Manila time.
Winika ito ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Martes, Enero 21.
Ani Geng, sa gaganaping pulong, makikiisa ang Tsina sa iba pang mga may kinalamang bansa, WHO, at mga dalubhasa para ibahagi ang impormasyon at ibigay ang siyentipikong pagtasa.
Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na palalimin ang pakikipagtulungang pandaigdig sa pagharap sa epidemiya para mapangalagaan ang seguridad na pangkalusugan ng rehiyon at daigdig.
Nauna rito, napapanahong ibinahagi ng Tsina sa WHO at iba pang mga bansa ang impormasyon at kalagayan ng epidemiya ng bansa, at ang genome sequence ng bagong coronavirus, dagdag pa ni Geng.
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |