|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Nakipagtagpo nitong Martes, Enero 21, 2020 si Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng CPC, kina Lana Nusseibeh at Joanna Wronecka, co-chairs ng Intergovernmental Negotiations on the United Nations Security Council (UNSC) Reform.
Saad ni Yang, ang target ng reporma ng UNSC ay pagpapalakas ng awtoridad at pagiging mabisa ng UNSC, pagdaragdag ng karapatang maging kinatawan at magkaroon ng boses ang mga umuunlad na bansa, katamtaman at maliliit na bansa, at pagpapakita ng tunguhing pandaigdig ng demokrasya at multi-polarisasyon. Aniya, aktibong kakatigan ng panig Tsino ang gawain ng co-chairs, para maigarantiya ang pagsulong ng reporma, tungo sa direksyong angkop sa Karta ng UN at komong kapakanan ng mga kasaping bansa.
Ipinahayag naman ng dalawang co-chairs ang pagpapahalaga sa paninindigan ng panig Tsino at papel nito sa isyu ng reporma ng UNSC. Anila, ang intergovernmental negotiation ay pangunahing tsanel ng pagtalakay ng mga kasapi ng UN hinggil sa reporma ng UNSC, at nakahanda silang panatilihin ang tunguhin ng diyalogo't negosasyon ng iba't ibang panig.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |