Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang alas dose ng madaling araw ng Pebrero 3, 2020, 361 katao na ang namatay dahil sa sakit na dulot ng novel coronavirus (2019-nCov).
Samantala, 17,205 ang kumpirmadong kaso ng pagkahawa, at 475 naman ang gumaling sa loob ng bansa.
Ayon pa rin sa datos, 2,829 ang bagong naiulat na kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa buong bansa, at 186 ang karagdagang kaso na nasa kritikal na kondisyon.
Kaunay nito, 5,173 ang bagong pinaghihinalaang kaso, at 57 ang bagong bilang ng mga namatay.
Salin: Vera