|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, buong lakas na nilalabanan ng Tsina ang epidemiya ng novel coro virus (2019-nCov).
Dahil dito, ipinagkaloob ng komunidad ng daigdig ang suporta at tulong sa Tsina sa iba't ibang paraan.
Pero, sa kabila nito, ipinahayag kamakailan ni Wilbur Louis Ross, Secretary of Commerce ng Amerika, na "ang epidemiya sa Tsina ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng pagmamanupaktura sa Amerika." Ito'y sunud-sunod na kinondena ng komunidad ng daigdig.
Ang epidemiya ay komong hamon na kinakaharap ng buong sangkatauhan.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang pinakamalakas na hakbangin na naglalayong mapangalagaan ang mga mamamayan ng Tsina at buong daigdig.
Bilang tanging superpower, hindi pa nagkakaloob ng aktuwal na tulong ang Amerika sa Tsina.
Sa kabilang dako, isinagawa nito ang komprehensibong pagbabawal sa pagpapasok ng mga mamamayang Tsino sa Amerika.
Ang pananalita ni Ross ay lubos na nagpakita ng pagkamakasarili ng ilang politiko ng Amerika.
Ang Tsina ay isang malaking bansa na mayroong 1.4 bilyong populasyon, na maaaring magkaloob ng malaking pamilihan at komprehensibong Industrial Chain para sa mga transisyonal na kompanya.
Ang populasyong ito ay isa ring mahalagang suporta sa win-win situation sa kalakalan ng Tsina at Amerika.
Pansamantala lamang ang epekto ng epidemiya sa kabuhayang Tsino, at di-mababago ang mabuting tunguhin ng kabuhayang Tsino sa mahabang panahon.
Salin: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |