|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang alas-dose ng hating gabi, Pebrero 5, 2020, umabot na sa 24,324 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (2019-nCov) sa mainland ng Tsina.
Samantala, 490 katao na ang namatay, at 892 naman ang gumaling sa loob ng bansa.
Ayon pa rin sa datos, 3,887 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa buong bansa, at 431 ang karagdagang kaso na nasa kritikal na kondisyon.
Kaunay nito, 3,971 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 65 ang bagong bilang ng mga namatay, at 262 ang bilang ng mga bagong gumaling.
Samantala, ipinaalam sa China Media Group ng mga opisyal ng Konsulada ng Pilipinas sa Shanghai, Guangzhou, Xiamen at Hong Kong, na hanggang alas-5:00 ng hapon kahapon, walang mga Pilipino ang nahawahan ng sakit na dulot ng bagong coronavirus. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng Pilipinas sa Filipino community lalo na sa Wuhan, Hubei kung saan nagsimula ang epidemya. Bukas ang linya ng komunikasyon sa nasabing mga kunsulado upang agad na rumisponde sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong.
Ulat/Salin: Mac/Vera/Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |