Huwebes ng gabi, Pebrero 6, 2020, nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia. Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyang masusing panahon ng pagpuksa ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov), hinahangaan niya ang buong tatag na suporta ng hari at panig Saudi Arabiano. Diin niya, natatamo ng mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ang mga positibong bunga. Ang mga hakbanging isinasagawa ng kanyang bansa ay hindi lamang nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayang Tsino, kundi gumawa ng napakalaking ambag para sa seguridad na pampubliko ng daigdig. Saad ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang kalusugan at kaligtasan ng lahat ng mga mamamayang dayuhan sa Tsina na kinabibilangan ng mga Saudi Arabian. Patuloy na isasagawa aniya ang mga hakbangin para maigarantiya ang kani-kanilang mabuting kalagayan sa trabaho at pamumuhay.
Binigyan ni Haring Salman ng mataas na pagtasa ang ginawang hakbangin ng Tsina sa pagharap sa epidemiyang ito. Aniya, nakahanda ang kanyang bansa na ipagkaloob ang suporta at tulong sa panig Tsino para puksain ang epidemiya.
Salin: Vera