|
||||||||
|
||
Sa isang mensaheng inilabas Pebrero 7, 2020 ng dating Pangulo at Chair Emeritus ng Association for Philippines China Understanding (APCU) na si Gloria Macapagal Arroyo, ipinahayag niyang lubos na nalulungkot at nag-aalala ang APCU sa pinsalang dala sa mga mamamayang Tsino ng epidemya ng novel coronavirus na kumalat na sa ibang bansa.
Aniya pa," Hindi lamang nito malubhang naapektuhan ang kalusugan, kundi ang mga aktibidad na panlipunan at pang-ekonomiko sa Tsina maging sa ibang bahagi ng mundo."
Sinabi rin niyang buong lakas na sinusuportahan ng APCU ang walang pag-aalinlangan at pang-kalahatang hakbang ng Tsina upang labanan ang sakit. "Kami ay umaasa sa maagang tagumpay ng ating sama-samang kapasiyahang labanan ang epidemya para sa mabuting kalusugan at kapakanan ng mga Tsino at Pilipino at pati na rin ng sangkatauhan," saad pa niya.
Ulat: Mac
Web-edit: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |