|
||||||||
|
||
Winika ito ni Marcos nang makipagtagpo siya kay Zhou Youbin, Consul and Head ng Chinese Consulate sa Laoag. Sinabi niyang unti-unting lumilitaw ang bunga ng mga isinasagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino at napansin niyang bumaba ang ilang datos ukol sa epidemiya ng coronavirus. Umaasa aniya siyang matutulungann ito ang pagpawi sa mga pagkabahala at maling akala ng mga Pilipino ukol dito. Ipinahayag din niya ang pag-asang mapagtatagumpay ng Tsina ang epidemiyang ito sa lalong madaling panahon.
Pinasalamatan ni Consul Zhou ang pagkatig ni Bongbong Marcos. Sinabi niyang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, natamo ng bansang Tsina ang malaking progreso sa pagpigil at pagkontrol ng pagkalat ng epidemiyang ito.
Nanawagan din si Zhou sa mga mamamayang Pilipino na panatilihin ang pagtitimpi para tamang pakitunguhan ang epidemiya ng coronavirus. Umaasa rin siyang magtutulungan ang Tsina at Pilipinas para magkasamang mapagtagumpayan ang epidemiyang ito.
Ulat: Ernest Wang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |