|
||||||||
|
||
Iniharap sa pulong, na dapat ibayo pang ipatupad ang mga gawain laban sa epidemiya, bigyang-priyoridad ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa Wuhan at ibang mga lugar ng lalawigang Hubei, at buong sikap na bigyang-lunas ang mga may-sakit.
Binigyang-diin din sa pulong ang iba pang may kinalamang gawaing gaya ng paggawa ng mga kagamitang pang-indibiduwal na proteksyon, pagpapadala ng mga karagdagang tauhang medikal sa Hubei, pananaliksik ng mga gamot at bakuna laban sa novel coronavirus pneumonia, paggarantiya sa suplay ng mga pagkain at ibang mga kinakailangang bagay para sa pang-araw-araw na pamumuhay, at iba pa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |