Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, nitong Lunes, ika-10 ng Pebrero 2020, 2,478 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa mainland ng Tsina. Samantala, 3,536 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 716 ang gumaling, at 108 naman ang namatay.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon ng hatinggabi, umabot na sa 42,638 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa mainland ng Tsina, at 21,675 ang pinaghihinalaang kaso. Samantala, 3,996 ang gumaling, at 1016 ang namatay.
Salin: Liu Kai