|
||||||||
|
||
|
Sinabi kahapon, Lunes, ika-10 ng Pebrero 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bagama't malubha pa rin ang kalagayan ng epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCoV) pneumonia, may kompiyansa ang Tsina na manalo sa paglaban sa sakit na ito.
Winika ito ni Xi, sa kanyang pagbisita sa isang komunidad, ospital, at disease control center sa Beijing, para suriin ang mga gawain para sa pagpigil sa pagkontrol sa epidemiya. Ang inspeksyong ito ay ginawa habang balik-trabaho ang iba't ibang lugar ng Tsina, liban sa lalawigang Hubei, sentro ng epidemiya.
Binigyang-diin din niya ang apat na prinsipyo ng paglaban sa novel coronavirus pneumonia, na gaya ng pagpapatibay ng kompiyansa, pagkakaisa't pagtutulungan, pagpigil at pagkontrol sa sakit alinsunod sa siyentipikong paraan, at pagsasagawa ng mga tamang hakbangin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |