|
||||||||
|
||
|
Sa pamamagitan ng video call, nakipag-usap kahapon, Lunes, ika-10 ng Pebrero 2020, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga kinatawan ng mga tauhang medikal sa ilang hospital sa Wuhan, kung saan binibigyang-lunas ang maraming may-sakit ng novel coronavirus (2019-nCoV) pneumonia.
Ipinahayag ni Xi ang pangungumusta at pasasalamat sa mga tauhang medikal sa Wuhan at ibang mga lugar ng Tsina, na nakikibaka sa sakit na ito. Hiniling din niya ang mas malakas na pangangalaga sa mga tauhang medikal na nasa bungad ng laban sa epidemiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |