|
||||||||
|
||
|
Sa pamamagitan ng video call, nakipag-usap kahapon, Lunes, ika-10 ng Pebrero 2020, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga kinatawan ng mga tauhang medikal sa ilang hospital sa Wuhan, kung saan binibigyang-lunas ang maraming may-sakit ng novel coronavirus (2019-nCoV) pneumonia.
Diin ni Xi, ang lalawigang Hubei at punong lunsod nito na Wuhan ay priyoridad sa pagpigil at pagkotrol sa epidemiya ng novel coronavirus. Nagbigay siya ng lakas-loob sa mga tauhang medikal at ibang mga may kinalamang manggagawa sa Wuhan at Hubei, na pagtagumpayan ang sakit na ito, para makamit ang tagumpay laban sa epidemiya sa buong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |