|
||||||||
|
||
Sinuri kahapon, Biyernes, ika-14 ng Pebrero 2020, sa Beijing, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, ang mga gawain laban sa epidemiya ng Novel Coronavirus Disease (COVID-19), sa Beijing West Railway Station, isang malaking istasyon ng tren sa kabisera ng Tsina.
Hiniling niyang, isagawa ang iba't ibang hakbangin, para bawasan ang pagkalat ng sakit, sa biyahe ng mga tao pabalik sa Beijing, pagkaraan ng pinahabang bakasyon ng Chinese Lunar New Year.
Bilang puno ng sentral na namumunong grupo sa mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng COVID-19, binigyang-diin din ni Li, na dapat isagawa, sa ilalim ng pangkalahatang plano, ang paglaban sa epidemiya at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |