Isinalaysay kahapon, Biyernes, ika-14 ng Pebrero 2020, sa Beijing, ni Fu Jinling, opisyal ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina, na hanggang kamakalawa, inilaan ng sentral at mga lokal na pamahalaan ang mahigit 80 bilyong yuan RMB, para sa paglaban sa epidemiya ng novel coronavirus pneumonia (COVID-19). Patuloy na ilalaan ang mga pondo batay sa pangangailangan, dagdag niya.
Pagdating naman sa mga maliit at mikro na bahay-kalakal na apektado ng epidemiya, inilabas din ng pamahalaang Tsino ang mga preperensyal na hakbangin. Ayon sa Ministri ng Pananalapi, aalisin ang ilang buwis at singil sa mga bahay-kalakal na ito. Iniharap naman ng Banking and Insurance Regulatory Commission ang patnubay sa mga bangko, na naglalayong pasimplehin ang mga prosidyur ng pag-aaproba sa pagpapautang ng naturang mga bahay-kalakal.
Salin: Liu Kai