Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, nitong Biyernes, ika-14 ng Pebrero 2020, 2,641 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus pneumonia (COVID-19) sa mainland ng Tsina. Samantala, 1,373 ang gumaling, at 143 naman ang namatay.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon ng hatinggabi, umabot na sa 66,492 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland ng Tsina. Samantala, 8,096 ang gumaling, at 1,523 ang namatay.
Salin: Liu Kai