|
||||||||
|
||
Pinasalamatan ni Wang ang pagtataguyod ng Laos ng Espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN hinggil sa Epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at Ika-5 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC). Ipinahayag niya na, sa dalawang pulong, pinapurihan ng iba't ibang bansa ang hakbangin ng Tsina sa paglaban sa COVID-19, ipinahayag ang suporta sa Tsina, at buong pagkakaisang sinang-ayunang magsikap ang mga bansa para magkasamang harapin ang kahirapan. Lubos na ipinakita nito ang mabuting tradisyon ng Tsina, Laos at ASEAN na magkaisa sa harap ng mga hamon.
Ipinahayag ni Saleumxay na pinahahalagahan ng Laos ang pagsisikap ng Tsina para labanan ang epidemiya. Nananalig siya na sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina at pamahalaang Tsino, tiyak na magtatagumpay ang mga mamamayang Tsino sa labang ito.
Nagpalitan ang mga Ministrong Panlabas ng palagay hinggil sa relasyon ng Tsina at Laos, kooperasyon ng dalawang bansa at iba pang isyu.
Salin: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |